If it's too good to be true, it usually is! 🚩 Ano ang Ponzi Scheme? Ito ay isang investment scam na nag-ooffer ng sobrang taas na returns para makahikayat ng new investors. Pero ang kita ng old investors ay hindi galing sa business profits, kundi sa pera ng bagong pasok. Para bang pasahan lang ng pera na walang totoong kita. Paano Mo Malalaman Kung Scam? I-compare mo yung interest rate nila sa official rate ng bansa (repo rate). Kung ang average rate ay nasa 5-6%, tapos sila nag-aalok ng 30% pataas—sketchy 'yan! Kahit pa mukhang legit kasi nakakabayad na sa ibang kakilala mo, huwag magpakampante—madalas pang-akit lang 'yan. Kwento ng Ponzi Victims: “Pinilit ko asawa ko mag-invest dahil sobrang taas ng kita at sabi ng friends namin okay daw. After a while, nawala na 'yung promoter, kasama pati pera namin!” Karaniwan, nadadala ang mga tao dahil sa testimonies ng kaibigan o kamag-anak, o kaya dahil mukhang promising sa una. Pero minsan, 'yan ang umpisa ng scam! Tanungin Mo Muna Bago Mag-Invest: - Gaano na kayo katagal sa business? - Ano ang qualifications niyo? - Bakit kailangan ko mag-recruit ng iba? - Registered ba kayo sa SEC? Pa-check nga ng proof ng registration! Trust Your Instincts! Kung parang too good to be true, mag-ingat na! Huwag padalos-dalos sa pagpapalabas ng pera. Lagi mag-research, at huwag basta magtiwala sa hype. 🧐💼 Stay smart, KKBuddies!💡 Keep safe sa investments! #KaskasanBuddies #PonziSchemes #Finance101